Noong unang panahon ay may batang batang prinsipe na siyang tinanghal na hari pagkamatay ng kanyang ama. Naiwan sa kanya ang pamamahala sa kaharian ng Laplap. Palibhasa'y bata pa ay sinunod nya ang layaw ng katawan. Sayawang walang puknat, inumang walang tigil, palarong walang katulad, paggastang walang patumangga ang ginawa ng batang-batang hari.
Nalaman ng mahal na reyna ang ginawa ng anak at kinausap nito.
" Anak kon hari, hindi nasisiyahan ang ating mga nasasakupan sa iyong pamamalakad. Magbago ka sana bago mahuli ang lahat," ang payo ng mahal na reyna.
"Aasahan po ninyo, ina kong reyna, " ang pangako ng hari sa reyna.
Gaya ng kanyang pangako tinalikuran ng batang hari ang layaw ng katawan at buong pagsusumigasig na hinarap at nilutas ang mga problema ng bayan.
Isang gabi ay biglang nakaramdam ng matinding pakalungkot ang hari at naiisip nyang kinakailangan na niyang matagpuan ang babaeng iibsan sa pagkalungkot niya.
kaya kinabukasan ay naisipang ng hari na maglakad- lakad sa labas ng palasyo. Na hindi siya nakasuot ng magarang damit bagkus siya ay nagsuot ng pangkaraniwang damit lamang. sa kanyang palalakad ay nakasalubong siya ng isang matanda at humihingi ng limos. lumapit ito sa kanya.
"Amang maari ba akong humingin n makakain sayo." ang pagsusumamo sa kanya ng matanda.
Pagsambit ng matanda ay walang dalawang isip na inabot ng hari ang baon niyang pagkain.
"inang ito po ang pagkain nawa'y ito po ay makabusog sa in"yo kahit papano."
Tinanggap iyo ng matanda at agad na kinain. Makatapos iyon ay nagpasya na sana ang hari sa pagpatuloy sa paglakad niya ngunit nagsalita ng matanda upang mapasalamat sabay abot ng isang kahon.
"Tanggapin mo ito bilang pagpapasalamat sa iyo ginoo! " ang wika ng matanda..
"Alam kong hinahanap mo ang babaeng iibsan sa iyong kalungkutan at itong ibibigay ko sa iyo ay siyang tutulong sa iyo upang madali mong mapili ang babaeng karapat dapat sa iyo."
Ngunit di iyo tinanggap agad ng hari. Ngunit ito ay pinagpilitan ng matanda hanngang sa tanggapin iyon ng hari.
Pagtanggap niya iyon ay nagpaalam na siya.
Nag-isip ang hari.." Ano kaya ang laman ng kahon na ito." binuksan ng hari ang kahon at laking gulat niya ng makita ang laman ng kahon isang "Salamin."
Natawa ang hari ng bahagya Naisip niya na pano makakatulong sa kanya ang salamin para makita o matagpuan ang babaeng karapat-dapat sa kanya.
Nang makarating ang hari sa unang bayan ay agad niyang ginamitt ang salamin hirap niya ito agad sa babaeng kanyang unang nakasalubong."Binibini maaari ka bang magsalamin ka sa akin salamin.." walang pag- aalinlang na ginamit iyon ng babae ngunit ang salamin ay lumabo hudyat na di siya ang karapat- dapat para sakanya.
Sa pangalawa at sa iba pang babae na kasalubong niya ay ganun ang naging resulta kaya siya ay nawalan ng gana sa paghahanap sa babaeng kanyang mapapangasawa.
Isang araw ay may nabalitaan siya na pinagkakaguhang dalaga sa kanyang nasasakupan. ito raw ay isng napakagandang babae. Kaya ang hari ay walang dalawang isip na tinungo ang tahanan ng babae.
pagdating niya sa bahay ng dalaga ay nakita niya ito agad at buong galak na nasiyahan ang hari at nasambit sa kanyang sarili "Tunay ngang napaka ganda ng dilag na ito at siya na ang aking hinahanap." dahil sa pagkakabighani niya sa dalaga ay nakalimutan na niyang paharapin sa salamin ito. At agad- agad niyang itong sinuyo nkalimutan niya ng pinayo ng matanda sa kanya na mag-ingat at wag mapapadala sa isang panglabas na kaanyuan lamang.
Habang sinusuyo niya ang magandang dilag ay binigyan siya nito ng pagsubok na kung saan ay pag nasunod niya ang sasabihin ng babae ay ipagkakaloob nito ang puso ng babae sa kanya.
Inutos ng babae na kuhanin ang puso ng mahal na reyna kapalit ang kanyang puso na ibibigay sa kanya. Nagulat ang hari sa narinig na hinihingi ng babae. Pagkatapos ng mga sandaling iyo ay natahimik ang hari at biglang napaisip siya.
Habang nagalalakad pa balik ng kaharian di mawala sa kanyang isip ang sinabi ng babae. Kung gagawin ba niya ito o hindi. Pagdating sa kaharian ay sinalubong siya ng mahal na reyna na nakangiti.
"Anak kong hari saan ka ba nanggaling?" tanong ng mahal na reyna sa hari.
Ngunit di umimik ang hari bagkus ay nagdiretso sa kanyang silid. Pagpasok sa silid ay agad na nahiga ng hari sa skanyang malambot na kama. At nag-isip siya ngunit nanaig pa rin ang pagkagusto niya na mapasakanya ang babae . kaya nang maggabi ay dali- dali dali niyang pinuntahan ang mahal na reyna sa kanyang silid. Pagpasok ng hari sa silid ay nakangiti ang reyna at nagsambit na.
" Bakit anak nandito ka ? Ano ba ang iyong kailangan?" pagka sambit ng reyna nun ay agad agad lumapit ang hari at "Ito ang kailangan ko!!!!" sambit ng hari sa kanyang ina sabay saksak sa dibdib ng kanyang ina.
Bago pa man ito nalagutan ng hininga ay may nasambit pa ang reyna sa hari ang sabi "Anak, Bakit mo ginawa ito?"
Di na napansin ng hari ang sambit ng ina... at pagkakuha ng puso ng ina ay dali- dali itong pumunta sa bahay ng babae ngunit pagdating niya doon. Wala ng ang babae. Sigaw dito, Sigaw roon ang ginawa ng hari ngunit wala ang babae.
Habang hawak niya ang puso ng ina ay biglang lumitaw ang matanda na kayang tinulungan noon sabi ng matanda" Di ba sabi ko sayo gamitin mo ang salamin sa paghahanap ng babaeng karapat-dapat para saiyo. Ngunit di mo iyo ginamit bagkus nagpasilaw ka agad sa ganda ng isang huwad na babae." sabi ng matanda. Habang ang hari ay umiiyak at nakatitig sa puso ng mahal na reyna.
Dala ng matanda ang salamin na ibinigay sa hari "dahil sa pagkakasilaw mo sa kinang ng babaeng iyo at sa pagkakakuha mo sa puso ng kawaawa mong mahal na reyan. ikaw ay paparusahan ko na kung saan ay makapagbigay ng agarang impormasyon ka sa lahat , kahit ikaw ay nasaan mang lugar gamit ang bagay na ito" pagsambit ng matanda ay biglang nagliwanag ang buong kapaligiran at ang salamin ay unti unting hinigop papasok ang hari at ito unti unting nagbago ng anyo ito ay naghugis parisukat na may hati sa gitna na maaring bukasan na kulay itim...
Matapos iyon ay nawala na ang liwanag naiwan sa gitna ng kabahay ang isang bagay ito ay tinawag na "LAPTOP" mula sa pangalang ng kaharian ng mahal na hari na Kaharian ng LAPLAP.
Ito ang alamat ng Laptop .
Ang Aking kwento...
Martes, Oktubre 11, 2011
Biyernes, Setyembre 23, 2011
Sa Pag-iisa ko...
Sa Pag-iisa ko'y pighati ang kasama
At bawat dantay ng sandali
ay iisa ang hiningang bumabalot
sa kaanyuan.
Ikaw ang aking Dalangin
Binibigkas sa mukha ng paslit na buwan
At kindat ng sanlibong bituin.
Ngunit tulad ngayon ang langit at lupa
Ang katahimikan sa ating pagitan
Di ko mahanap ang init ng iyong
mga palad upang ipabatid
ang halik ng mga bulalakaw.
Sa ating paligid ay wala nang halakhak
Ang mga halaman at di na maabot
ang ngiti sa perlas mong mga labi
Sa Pag-iisa ko hayaan mong
isagi kita sa isip at hintayin
ang pag-usbong ng bukang liwayway
na dala ang tamis ng pag-ibig
sa matipuno mong dibdib.
Paalam na sa iyo mahal ko...
Martes, Setyembre 20, 2011
CICT DAYS 2011
Noong ika- 24 ng Agosto taong 2011, miyerkules ganap na alas tres ng hapon binuksan ang aming CICT DAYS . Sinimulan ang CICT Days ng parada na kinalalahokan ng mga manlalaro ng iba't -ibang level ng mga mag-aaral ng Computer Technology at Information Technology Stusent. Sa parada pinangungunahan ng mga naggagandahang mga muse ng bawat koponan at kasunod rito ang mga manlalaro at mga cosplayers na suot ang mga kakaiba at nakakaamazing na anime characters. Na sinimulan ito mula 3rd gate hanngang sa Activity Center.
Matapos ang parada, nagkaroon ng isang programa na kung saan ay nagpagalingan at nagrampahan ang mga magagandang muse ng bawat level. Na isa sa mga kandidato sa pagkamuse ay isa naming kaklase na si Rianne Lozano na aming pambato . Ngunit di naman siya nanalo sa nasabing timpalak para sa amin siya ang tunay na nanalo kasi binigay niya yung best niya para sa kompetisyon na iyon.
Mayroon ding labanan ng mga cosplayers kung saan ay isa-isa silang lumakad papuntang entablado para magpakilala sa mga ginagayang anime characters. Ang ibang BIT 3A -G1 ay nagsalihan sa iba't ibang palaro tulad ng basketball at palaro sa major.
Sa mga panahon ng CICT Days ay nagkaroon ng pagkakaisa na supportahan ang mga kaklase o ka year level sa mga kompetisyon na kanilang kinalahokan. Ang naganap na CICT Days ay masaya bagama't wala akong sinalihang mga palaro ay naging isang masaya at masiglang taga suporta sa manlalaro...
Matapos ang parada, nagkaroon ng isang programa na kung saan ay nagpagalingan at nagrampahan ang mga magagandang muse ng bawat level. Na isa sa mga kandidato sa pagkamuse ay isa naming kaklase na si Rianne Lozano na aming pambato . Ngunit di naman siya nanalo sa nasabing timpalak para sa amin siya ang tunay na nanalo kasi binigay niya yung best niya para sa kompetisyon na iyon.
Mayroon ding labanan ng mga cosplayers kung saan ay isa-isa silang lumakad papuntang entablado para magpakilala sa mga ginagayang anime characters. Ang ibang BIT 3A -G1 ay nagsalihan sa iba't ibang palaro tulad ng basketball at palaro sa major.
Sa mga panahon ng CICT Days ay nagkaroon ng pagkakaisa na supportahan ang mga kaklase o ka year level sa mga kompetisyon na kanilang kinalahokan. Ang naganap na CICT Days ay masaya bagama't wala akong sinalihang mga palaro ay naging isang masaya at masiglang taga suporta sa manlalaro...
Saan nga ba ako Patungo ? (maikling kwento)
Habang naglalakbay dinadama ko ang malambot mong mga palad na siyang nagbibigay kasiyahan sa akin. Naitanong ko sa aking sarili "IKAW BA ANG AKING HINAHANAP?". Maraming lubak, putik, alikabok at bato ang sa atin ay sumalansa ngunit nanatili tayong magkakapit . Tanging hiling nang aking puso ang tayo'y di na magkahiwalay.
Nadaan tayo sa mga sangang daan at doo'y dumami ang ating kasabay. Hindi ka na tulad ng dati. Ngayon ay mas higit kang masalita kaysa noong tayo pa lamang dalawa. Ang atensyon mong dati'y sa akin lamang ay antuon na sa iba. Ngunit magkaganoon man, hindi ako nangangambang ako'y iyong iiwan kahit na ang kamay mo ngayon ay hawak na ng iba. Patuloy pa rin ako sa pag-asa. Hanggang sa muli nating pagdaan sa sangang daan. Walang kalingon-lingon kang lumiko at sumama sa kanya. Naiwan akong nag-iisa.
Nagpatuloy ako sa paglalakbay kahit na may tila kadenang pumipigil sa aking mga paa. Nais kong umiyak ngunit heto na naman ang isang tinig na nagsasabi sa aking ngumiti. Naisip ko "TAMA SIYA!". Maari ngang hindi ikaw ang aking hinahanap ngunit ikaw ang ginawa niyang instrumento upang ako'y patatagin sa anumang hamon at bawat alaala natin ay magsisilbing mga tagapagpatawa ko sa aking paglalakbay habang di ko pa nakikita ang aking hinahanap!
Salamat sa iyo! Ngunit isang tanong ang nananatiling walang sagot. Saan nga ba ako patungo?
Sabado, Setyembre 17, 2011
Ang Kwento ng Buhay Ko...
Ako si Sara Jane H. Fabroa. Isinilang noong Nobyembre 11, 1987 sa Matungao, Bulakan,Bulacan.Ako ay may kakambal ang kanyang pangalan ay Mary Jane H.Fabroa. Ang aking mga magulang ay sina Teresita Garcia-Hernandez na isang taal na taga- Bulacan at si Pedrito Cabanig-Fabroa na isang taga-Cebu.
Ako ay nagsimulang tumapak ng eskwelahan taong 1993 bilang isang "KINDER GARTEN" sa paaralan ng Matungao Elementary School. Matapos ang taong iyon 1994 kami ay lumipat ng tirahan sa Angeles, Pampanga doon kami nag- aral ng Unang baitang hanggang Ikawalang Baitang sa kadahilanang ang aking ama ay nagtayo ng isang bisnes. Ngunit matapos malugi sa ang tinayong negosyo ng aking ama kami ay muling bumalik sa Bulacan upang doon kami manirahan ulit. Kaya ng kami ay mag IIkatlong Baitang na kami sa nagbalik sa Matungao Elemetary School hanggang sa ika-anim na Baitang.
Nang kami ay nag "HIGH SCHOOL" sa Guiguinto National Vocational School kami ipinasok taong 2000. Di pa kami nakakatapos ng high school nagkaroon ng isang problema ang aming pamilya na humantong sa paghihiwalay ng aking mga magulang. Kaya sa panahong nag-aaral kami ng high school tanging ina ko na lang ang nagtatrabaho sa amin. Kaya hirap na hirap siya sa pagpapaaral sa amin. Ngunit kami ay napagtapos pa rin nya ng high school.
Sa panahong kami ay magkokolehiyo nang magkapatid batid ko na di kaming kayang pag- aralin ng sabay ng aming ina sapagkat ang tanging hanap buhay ng aking ina ay isang mananahi ng bag. Kaya ako na mismo na nagbigay ng daan sa aking kapatid na mauna siyang mag-aral sa akin ng kolehiyo. kahit papano ay may isang makatapos sa aming magkapatid. kaya noong panahon na iyon kasama ako ng aking ina sa pananahi ng bag upang ipang tustus sa pag- aaral ng aking kakambal.Habang nag- aaral ang aking kakambal ako ay inggit na inggit sa kanya ngunit wala naman akong magagawa kundi maghintay sa aking pagkakataon. Nagtapos ang aking kakambal noong taong 2008 sa kursong Bachelor of Science Information Technology.Nang makatapos siya ng pag-aaral agad naman nakahanap ng papasukang trabaho ang aking kakambal kaya ako ay pinagpasyahan niyang pag-aralindin ng kolehiyo. Noong mga panahon na iyo ay walang pagsidlan ang saya ko noon.
Ako ay nag-aral ng kolehiyo noong 2009 sa kursong BIT COMPUTER TECHNOLOGY.Makalipas ang dalawang taon ako ay natapos ko ang dalawang taong kurso ko. Ngunit ako ay nagpatuloy na mag-aral ng kolehiyo ngayon ako ay nasa ikatlong taon sa aking kursong kinukuha.oo mahirap mag-aral, Nahihirapan ako, ngunit kinakaya sa kadahilanan alam ko na kaya ko ito at may magandang kalalagyan ang taong marunong magtiyaga at maghintay sa buhay.
Ito ang kwento ng aking buhay...
"ITO ANG AKING PAMILYA"
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)