Noong unang panahon ay may batang batang prinsipe na siyang tinanghal na hari pagkamatay ng kanyang ama. Naiwan sa kanya ang pamamahala sa kaharian ng Laplap. Palibhasa'y bata pa ay sinunod nya ang layaw ng katawan. Sayawang walang puknat, inumang walang tigil, palarong walang katulad, paggastang walang patumangga ang ginawa ng batang-batang hari.
Nalaman ng mahal na reyna ang ginawa ng anak at kinausap nito.
" Anak kon hari, hindi nasisiyahan ang ating mga nasasakupan sa iyong pamamalakad. Magbago ka sana bago mahuli ang lahat," ang payo ng mahal na reyna.
"Aasahan po ninyo, ina kong reyna, " ang pangako ng hari sa reyna.
Gaya ng kanyang pangako tinalikuran ng batang hari ang layaw ng katawan at buong pagsusumigasig na hinarap at nilutas ang mga problema ng bayan.
Isang gabi ay biglang nakaramdam ng matinding pakalungkot ang hari at naiisip nyang kinakailangan na niyang matagpuan ang babaeng iibsan sa pagkalungkot niya.
kaya kinabukasan ay naisipang ng hari na maglakad- lakad sa labas ng palasyo. Na hindi siya nakasuot ng magarang damit bagkus siya ay nagsuot ng pangkaraniwang damit lamang. sa kanyang palalakad ay nakasalubong siya ng isang matanda at humihingi ng limos. lumapit ito sa kanya.
"Amang maari ba akong humingin n makakain sayo." ang pagsusumamo sa kanya ng matanda.
Pagsambit ng matanda ay walang dalawang isip na inabot ng hari ang baon niyang pagkain.
"inang ito po ang pagkain nawa'y ito po ay makabusog sa in"yo kahit papano."
Tinanggap iyo ng matanda at agad na kinain. Makatapos iyon ay nagpasya na sana ang hari sa pagpatuloy sa paglakad niya ngunit nagsalita ng matanda upang mapasalamat sabay abot ng isang kahon.
"Tanggapin mo ito bilang pagpapasalamat sa iyo ginoo! " ang wika ng matanda..
"Alam kong hinahanap mo ang babaeng iibsan sa iyong kalungkutan at itong ibibigay ko sa iyo ay siyang tutulong sa iyo upang madali mong mapili ang babaeng karapat dapat sa iyo."
Ngunit di iyo tinanggap agad ng hari. Ngunit ito ay pinagpilitan ng matanda hanngang sa tanggapin iyon ng hari.
Pagtanggap niya iyon ay nagpaalam na siya.
Nag-isip ang hari.." Ano kaya ang laman ng kahon na ito." binuksan ng hari ang kahon at laking gulat niya ng makita ang laman ng kahon isang "Salamin."
Natawa ang hari ng bahagya Naisip niya na pano makakatulong sa kanya ang salamin para makita o matagpuan ang babaeng karapat-dapat sa kanya.
Nang makarating ang hari sa unang bayan ay agad niyang ginamitt ang salamin hirap niya ito agad sa babaeng kanyang unang nakasalubong."Binibini maaari ka bang magsalamin ka sa akin salamin.." walang pag- aalinlang na ginamit iyon ng babae ngunit ang salamin ay lumabo hudyat na di siya ang karapat- dapat para sakanya.
Sa pangalawa at sa iba pang babae na kasalubong niya ay ganun ang naging resulta kaya siya ay nawalan ng gana sa paghahanap sa babaeng kanyang mapapangasawa.
Isang araw ay may nabalitaan siya na pinagkakaguhang dalaga sa kanyang nasasakupan. ito raw ay isng napakagandang babae. Kaya ang hari ay walang dalawang isip na tinungo ang tahanan ng babae.
pagdating niya sa bahay ng dalaga ay nakita niya ito agad at buong galak na nasiyahan ang hari at nasambit sa kanyang sarili "Tunay ngang napaka ganda ng dilag na ito at siya na ang aking hinahanap." dahil sa pagkakabighani niya sa dalaga ay nakalimutan na niyang paharapin sa salamin ito. At agad- agad niyang itong sinuyo nkalimutan niya ng pinayo ng matanda sa kanya na mag-ingat at wag mapapadala sa isang panglabas na kaanyuan lamang.
Habang sinusuyo niya ang magandang dilag ay binigyan siya nito ng pagsubok na kung saan ay pag nasunod niya ang sasabihin ng babae ay ipagkakaloob nito ang puso ng babae sa kanya.
Inutos ng babae na kuhanin ang puso ng mahal na reyna kapalit ang kanyang puso na ibibigay sa kanya. Nagulat ang hari sa narinig na hinihingi ng babae. Pagkatapos ng mga sandaling iyo ay natahimik ang hari at biglang napaisip siya.
Habang nagalalakad pa balik ng kaharian di mawala sa kanyang isip ang sinabi ng babae. Kung gagawin ba niya ito o hindi. Pagdating sa kaharian ay sinalubong siya ng mahal na reyna na nakangiti.
"Anak kong hari saan ka ba nanggaling?" tanong ng mahal na reyna sa hari.
Ngunit di umimik ang hari bagkus ay nagdiretso sa kanyang silid. Pagpasok sa silid ay agad na nahiga ng hari sa skanyang malambot na kama. At nag-isip siya ngunit nanaig pa rin ang pagkagusto niya na mapasakanya ang babae . kaya nang maggabi ay dali- dali dali niyang pinuntahan ang mahal na reyna sa kanyang silid. Pagpasok ng hari sa silid ay nakangiti ang reyna at nagsambit na.
" Bakit anak nandito ka ? Ano ba ang iyong kailangan?" pagka sambit ng reyna nun ay agad agad lumapit ang hari at "Ito ang kailangan ko!!!!" sambit ng hari sa kanyang ina sabay saksak sa dibdib ng kanyang ina.
Bago pa man ito nalagutan ng hininga ay may nasambit pa ang reyna sa hari ang sabi "Anak, Bakit mo ginawa ito?"
Di na napansin ng hari ang sambit ng ina... at pagkakuha ng puso ng ina ay dali- dali itong pumunta sa bahay ng babae ngunit pagdating niya doon. Wala ng ang babae. Sigaw dito, Sigaw roon ang ginawa ng hari ngunit wala ang babae.
Habang hawak niya ang puso ng ina ay biglang lumitaw ang matanda na kayang tinulungan noon sabi ng matanda" Di ba sabi ko sayo gamitin mo ang salamin sa paghahanap ng babaeng karapat-dapat para saiyo. Ngunit di mo iyo ginamit bagkus nagpasilaw ka agad sa ganda ng isang huwad na babae." sabi ng matanda. Habang ang hari ay umiiyak at nakatitig sa puso ng mahal na reyna.
Dala ng matanda ang salamin na ibinigay sa hari "dahil sa pagkakasilaw mo sa kinang ng babaeng iyo at sa pagkakakuha mo sa puso ng kawaawa mong mahal na reyan. ikaw ay paparusahan ko na kung saan ay makapagbigay ng agarang impormasyon ka sa lahat , kahit ikaw ay nasaan mang lugar gamit ang bagay na ito" pagsambit ng matanda ay biglang nagliwanag ang buong kapaligiran at ang salamin ay unti unting hinigop papasok ang hari at ito unti unting nagbago ng anyo ito ay naghugis parisukat na may hati sa gitna na maaring bukasan na kulay itim...
Matapos iyon ay nawala na ang liwanag naiwan sa gitna ng kabahay ang isang bagay ito ay tinawag na "LAPTOP" mula sa pangalang ng kaharian ng mahal na hari na Kaharian ng LAPLAP.
Ito ang alamat ng Laptop .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento